Monday, July 12, 2010

there are some things we can never get back.

At last, I've been able to upload the video 'Tiyakad' (first part and trailer) and 'Kalinga'.
Go Green Team, Ayan na ha. Mission Accomplished. Go check my video's in FB and watch it. Enjoy! :)
***
Hmm. Been scribbling a lot of notes today. Hindi dahil sa broken-hearted ako or something but because at some point, na-rerealize kong may mga bagay na hindi talaga pwede kahit pilitin. Aaminin ko na namimiss ko siya at hindi ko maiwasang malungkot. So, hinipan na naman ako ng katangahan at tinext ko siya na kung gusto niya i-save ang number ko, i-save niya. yung bang parang walang ngyaring gap. Ilang minutes ko tinitigan yung fone ko at yung text ko sa kanya, iniisip ko kung tama ba yung sinabi ko. 'muntanga muntanga muntanga', sabi ng isip ko. Nung nagreply siya, okay lang ang sagot with matching smiley. Natuwa ako instead na nalungkot (pero sige na nga, nalungkot din ako). Kasi, kahit pano, nagreply siya. Akala ko kasi hindi na talaga. Minsan, ang reality hindi ako matama-tamaan, kasi naniniwala ako na hanga't wala pa siyang gf, may pag-asa. pero ngayon, suko na talaga ako at hindi na ako umaasanag babalik kami sa dati. Yung mga korni jokes, yung mga 'sarge' na tawagan at kung anu-anu pa. Hindi na kami minu-minuto magkaka-text ng mga walang sense. Hindi na ulit ako tatawa ng tatawa kasi muntanga kami pareho. May mga bagay talaga na hindi na mababalik sa dati. Pero masaya naman ako kasi may maibabaon akong magandang alaala sa kanya at hangang dun nalang siguro talaga yun.

Eto, share ko lang yung mga scribbles sa journal ko which i also posted on my 'whats on your mind' box in FB:

It’s okay to want someone you can’t have... and be okay with that. 12:37 am
There are some things we can never get back. 10:49 pm

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]